Skip to main content

To: DENR Secretary Roy Cimatu; Zambales Governor Hermogenes Ebdane; Candelaria Mayor Nap Edquid

Stop Mining in Zambales and Stop the Construction of the Ferro Nickel Plant in Candelaria

Stop Mining in Zambales and Stop the Construction of the Ferro Nickel Plant in Candelaria

Please listen to your constituents. The majority of the people of Zambales are against mining because of the environmental destruction that mining has already caused in Infanta, Santa Cruz and Candelaria.

Now WestChinamin proposes to expand mining and to build a Ferro Nickel Plant in Candelaria. Please listen to and side with the people of Zambales. The people are against mining and against FNP! Do not grant WestChinamin an ECC or endorsements to operate.

Why is this important?

Pagbati mula sa Candelaria, Zambales.

Ang Candelaria, Zambales ay isang maliit at tahimik na bayan sa hilagang Zambales. Nang mga nakaraang taon ay nababasag ang katahimikan at kapayapaan sa aming lugar dahil sa pagmimina sa aming kabundukan. Sa karatig bayan ng Sta Cruz kasi ay may apat na malalaking minahan ng nickel, at ang mga latak mula sa mga minahang ito ay umaagos at sumisira sa aming mga ilog, dagat at mga palayan. Pinasara ang mga minahang ito noong 2016 ng DENR sa pangununa ni Gina Lopez dahil sa mga pagsira sa kalikasan (gaya ng pagputol ng mga puno at paninira sa watersheds at walang mga safety measures kaya umaagos ang mga latak sa ilog) ngunit isa-isa silang nakabalik sa operasyong taong 2018-2019.

Ngayon po ay higit kaming nangangamba sa Candelaria dahil sa panukalang pagbukas ng minahan at planta ng WestChinamin sa aming bayan.

Ang WestChinamin ay may dalawang panukala: una ay magmina ng 3,500,000,000 kilo ng lupa kada taon mula sa aming kabundukan at ikalawa ay magtayo ng planta ng Ferro Nickel na mag proproseso ng mga mininang ore sa Candelaria, Zambales.

Karamihan sa mga mamamayan ng Candelaria ay tutol sa panukalang ito ng WestChinamin sa kadahilanang ayaw namin masira ang aming kapaligiran. Ang pangunahing hanapbuhay sa aming bayan ay agrikultura kaya mapeperwisyo ang kabuhayan ng marami kapag natuloy ang panukalang mina at planta ng WestChinamin.

Sa katunayan noon Oktubre 2018 ay nagpasa ng resolusyon ang Sanggunian Bayan ng Candelaria na gawing mining free ang Candelaria at ipabasura ang panukala ng WestChinamin na magtayo ng Ferro Nickel Plant.

Maliban sa ordinansa, ang mga mamamayan mismo ay lumalagda sa mga petition papers na tumatanggi sa pagmimina sa aming lugar at sa pagtatayo ng planta. Malinaw na ayaw ng nakararami sa Candelaria ang pagmimina sa aming lugar.

Sa kasamaang palad, ngayong taon ng 2019, ay muli na namang binubuhay ang panukalang ito.

Hindi po kami pumapayag na itayo ang Ferro Nickel Plant. Gagamit sila ng strip contour mining sa pagmimina. Puputulin ang mga puno sa kagubatan upang mahukay at matuklap sa pagmimina ang lupa at aagos ang mga putik sa mga palayan at kabahayan. Mawawalan ang mga magsasaka ng kabuhayan dahil kapag wala nang puno ay mawawala ang tubig, at pwede ring matabunan ng putik mula sa mga minahan ang mga palayan. Magkakaroon ng baha at magiging maalikabok ang paligid. Aagos din ang putik sa dagat at lalayo ang mga isda, mawawalan ng kabuhayan ang mga mangingisda.

Ang mga kemikal na gagamitin ng planta gaya ng coal at sulphuric acid ay aagos at magiging sanhi ng pagkasira ng mga ilog at tubig-inumin. Maraming isda at maiilap na hayop ang mawawalan ng tirahan. Mawawalan ng malinis na tubig pang-inom at magkakasakit ang mga tao mula sa mga kemikal.

Lumalapit po kami sa inyong tanggapan upang idaing ang mga sumusunod:

1) Mapilit po ang WestChinamin na magmina at itayo ang kanilang Ferro Nickel Plant sa Candelaria. Nagpameeting po ang WestChinamin kasama ang Mayor at mga miyembro ng sangguniang bayang sa bawat barangay ng Candelaria mula noon Okt 9-18 upang ipapanood sa mga mamamayan ang video tungkol sa mina at nagsalita ang mga managers ng WestChinamin. Si Mayor din po ay nagsalita at sinabing mahusay ang plantang ito. Wala pong open forum at di pinayagan ang mga mamamayan na magtanong sa mga taga WestChinamin at sa mga namumuno ng bayan. Sa pagkakaalam po namin ay bawal ito, ang may panukala ng proyekto ang dapat tumatawag ng meeting at hindi dapat i-endorso ng mga nasa gobyerno ang isang proyekto bago pa ito makakuha ng mga permit mula sa DENR.
2) Bago at habang nagpapameeting sa mga barangay ang WesChinamin ay namigay sila sa mga dumalo ng limang kilong bigas, asukal at kape, at iba pang regalo. May pa –raffle pa sila upang mas marami ang dumalo sa kanilang mga pa-meeting. Pinasulat ang pangalan at pinapirma ang mga mamamayan kapalit ng bigas at raffle ticket. Ngayon po ay pinangangambahan ng mga mamamayan na ang pagpirma nila sa attendance sheet ng meeting ay gagamitin ng WestChinamin na pruweba na sang-ayon ang mga mamamayan ng Candelaria sa panukala nila. Isa itong malinaw na panlilinlang sa mga tao.
3) Pinipilit po ng WestChinamin at ng Sangguniang Bayan ang mga Sangguniang Barangay na magpasa ng resolusyon upang iendorso ang proyekto ng WestChinamin. May mga usap-usapang tinakot, pinagbantaan at sinusuhulan ang mga miyembro ng mga Sangguniang Barangay upang i-endorso ang proyekto.
4) May mga konstruksyon na ng mga gusali sa Barangay Taposo, at mga daan sa barangay Sinabacan at Uacon patungong Taposo na gagamitin ng planta sa transportasyon ng kanilang ore. May mga daang tubig ng irigasyon at batis ang kanilang tinabunan upang magawa ang mga daan. Paglabag po ito dahil wala pa pong permit ang planta at sinira nila ang daluyang tubig ng mga sakahan upang itayo ang mga gusali at daan.
5) May illegal mining na nagaganap sa Barangay Uacon, malapit sa Duplac. Matagal na po itong naipag-bigay alam sa DENR at inaantabayanan namin ang resulta ng inyong imbestigasyon.

Sana po at samahan ninyo kami sa aming kampanya.

Umaasa po kami sa mabilis na aksyon ng mga kinauukulan upang hindi mabigyan ng permit ang Ferro Nickel Plant at tuluyan nang isara ang mga minahan sa Zambales.

Follow us on our facebook pages:

https://www.facebook.com/Uacon-Mining-Operation-1203562866328111/

https://www.facebook.com/SaveUaconLakeAndMalabonRiver/

#SaveCandelaria
#FerroNickelPlant
#AntiMining
#AntiFNP
#NoToFerroNickelPlant

Zambales, Philippines

Maps © Stamen; Data © OSM and contributors, ODbL


Reasons for signing

  • to make a change in my own simple way
  • I love to protect our people.
  • For the people of Zambales and of course environment

Updates

2019-12-17 13:01:10 +0800

500 signatures reached

2019-11-06 21:29:13 +0800

100 signatures reached

2019-11-06 14:48:05 +0800

50 signatures reached

2019-11-05 22:58:21 +0800

25 signatures reached

2019-11-05 11:19:30 +0800

10 signatures reached