Skip to main content

To: Office of the Mayor | Tumalim, Nasugbu, Batangas

Say NO to New Star Poultry Farm! Unahin at Tiyakin ang Kalusugan HINDI ang Manukan!

Say NO to New Star Poultry Farm! Unahin at Tiyakin ang Kalusugan HINDI ang Manukan!

Petisyon ng mga mamamayan sa Brgy. Tumalim at Brgy. Mataas Na Pulo sa Nasugbu Batangas sa pag-tutol nila sa pag-tatayo ng Poultry Farm sa pangunguna ng “NEW STAR POULTRY FARM INC. (NSPFIN)

Why is this important?

Ang isang poultry farm na itinayo malapit sa residential area ay isang malaking banta sa kalusugan ng mamamayan. Iba’t ibang sakit ang maaring idulot nito sa pamamagitan ng mga langaw at iba pang peste na tiyak mag-mumula sa dumi ng mga manok. Ikakalat ng mga langaw ang mga bacteria mula sa poultry at sa iba’t iba pang lugar na pamumugaran nito.

Ayon sa mga Residente ng Brgy. Tumalim at Mataas Na Pulo, ang pag-tatayo ng poultry sa Sitio Pari Brgy. Tumalim Nasugbu Batangas ay hindi dumaan sa isang public consultation o hearing. Karamihan sa kanila ay kamakailan lamang napag-alaman na tuloy ang proyekto at hindi man lamang nabigyan ng pagkakataon na ipahayag ang kanilang mga saloobin o pagtingin sa nasabing proyekto. Ito’y lantarang paglabag sa Local Government Code na nagsasaad na walang proyektong maaaring magpatuloy ng hindi dumadaan sa tamang proseso na bukas na pagdinig at hindi inaprubahan ng nakararaming mamamayan.

Walang maipakitang Environmental Compliance Certificate ang NSPFI gayon ay walang katibayan mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang nasabing proyekto ay hindi lalabag sa mga batas na nangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.

Walang saysay ang paglago ng ating ekonomiya at pag-pasok ng ilang oportunidad gaya ng sa trabaho at extra income ng Barangay kung ang magiging kapalit nito ay ang peligro sa kalusugan ng mga mamamayan gayun alam natin na di-pribilehiyo pa din ang makapag-pagamot at magamot sa tuwing tayo’y nagkakasakit.

Ang ganitong klase ng negosyo ay may direktang partisipasyon sa patuloy na pag-init ng ating mundo o “Climate Crisis” dahil ito ay isang malinaw na massive production na walang kontrol sa paglikha ng produkto. Ang kumpanya na gaya ng “NEW STAR POULTRY FARM INC. (NSPFIN) ay lilikha ng produkto na hindi naka-base sa pangangailang ng tao, kung di sa halip ay naka-base ito para sa higit na pag-tutubuan lamang.

Hindi magkakaroon ng kapayapaan hanggat ang mga negosyo na katulad nito ay may malaking tangka sa kalusugan ng mga mamamayan at tangka sa pagkasira ng ating kalikasan. Ang pagkakaroon ng isang mapayapa, ligtas at malinis na komunidad ay isang malinaw nating KARAPATAN.

Tumalim, Batangas, Philippines

Maps © Stamen; Data © OSM and contributors, ODbL


Reasons for signing

  • I want to save tumalim,
  • Nakiisa po ako sa petisyong ito hindi dahil para makialam sa kung ano mang desisyon ng mga opisyal ng barangay na involve kundi dahil ay para po sa AKIN ito ang TAMA.
  • Health over anything.

Updates

2019-10-31 20:22:17 +0800

100 signatures reached

2019-10-30 20:38:34 +0800

50 signatures reached

2019-10-30 14:45:56 +0800

25 signatures reached

2019-10-30 10:25:53 +0800

10 signatures reached