Skip to main content

To: President Ferdinand Romualdez Marcos Jr.

President BBM: Pagbayarin ang mga kumpanyang responsable sa MT Princess Empress Oil Spill

Nanawagan kami kay Pangulong Bongbong Marcos at sa mga sangay ng gobyerno na tumutugon sa MT Princess Empress oil spill: Make polluters pay! Singilin at panagutin ninyo ang mga kumpanyang may kinalaman sa sakunang ito, alang-alang sa mahigit 100,000 mamamayang nagugutom at nagkakasakit, at sa yamang-tubig na napinsala ng langis.

Why is this important?

Ang oil spill mula sa paglubog ng MT Princess Empress ay isa na sa pinakamalalawak na oil spill sa kasaysayan ng Pilipinas. Umabot na ang langis sa pampang ng iba’t ibang probinsya, mula Oriental Mindoro hanggang Palawan. Namataan na rin ito sa Verde Island Passage, isang bahagi ng katubigan na mayaman sa marine biodiversity. Nananatili rin itong banta sa mga tanyag na tourism spots gaya ng Boracay at Puerto Galera.

Sa loob lamang ng ilang linggo, libu-libong pamilya at mangingisda na ang dumaraing dahil sa insidenteng ito. Lampas 19,000 mangingisda na ang nawalan ng kabuhayan, mahigit isandaang residente na ang nagkakasakit, at nangangamatay na ang mga isda sa Oriental Mindoro at sa mga karatig-probinsya.

Ngunit hanggang ngayon, ni isang kusing ay wala pang binabayad ang mga kumpanyang dawit sa sakunang ito. Maging ang charterer ng barko ay hindi pa rin lumalantad. Ang gastusin sa pagbangon ay dapat sagutin ng mga kumpanyang may sala — hindi ng gobyerno lamang o ng mga komunidad na mismong naaapektuhan ng kanilang mapaminsalang negosyo.

Updates

2023-09-25 08:23:46 +0800

500 signatures reached

2023-03-24 16:43:31 +0800

100 signatures reached

2023-03-23 13:34:58 +0800

50 signatures reached

2023-03-22 19:53:10 +0800

25 signatures reached

2023-03-22 13:16:09 +0800

10 signatures reached