Skip to main content

To: Mayor Isko Moreno Domagoso,

Dear Mayor Isko, make a Plant-based NUTRIBUN

Dear Mayor Isko, make a Plant-based NUTRIBUN

Sa Pagkakaalam ko po, gusto mong ibalik ang Project Nutribun ni Former President Marcos. May suggestions lang po ako.

1. Instead na regular Nutribun, ang gawin niyo po ay TRADITIONAL PANDESAL WITH MALUNGGAY.

Bakit Pandesal?

1.1: Ang tradisyonal na pandesal ay walang halong itlog at gatas ng baka. Maraming allergic sa itlog at dairy milk. At iwas bad cholesterol na din na pwedeng magdulot ng sakit sa puso.

1.2; SWAK NA SWAK PO ITO SA PANLASANG PINOY!

Bakit Malunggay?

1.3: Malunggay is our national vegetable (the most nutrituous plant on earth), sagana po ito sa protina, vitamins and minerals.

Moringa/Malunggay contains
90 phytonutrients (Vitamins from A To Zinc)
47 antioxidants
36 anti inflammatory compounds
18 amino acids (Complete in Protein)

Dapat ma-incorporate yan sa mga programang pang-kalusugan. Para masupportahan ang mga local filipino farmers natin at maipa-alam sa lahat ng mga Pilipino na ang isa sa mga pinaka magandang sagot at solusyon sa Malnutrisyon ay matatagpuan lamang sa ating mga bakuran. LIBRE PA! 😊

2. Instead na Dairy Milk, dapat Soy milk na lang. Bakit?

2.1: Maraming Lactose Intolerant at allergic sa gatas ng baka. Mataas din sa BAD Cholesterol ang Gatas ng Baka na pwedeng magdulot ng sakit sa puso. Ang mga Dairy milk ay galing abroad. Bumababa na po ang demand ng Dairy milk sa ibang bansa dahil mas edukado na ang mga tao doon sa masamang epekto ng paginom ng gatas kaya tinatambak na lang sa mga 3rd world countries ang mga surplus (over supply) nito.

2.2: Mas mainam ang Soy Milk. Ang soy milk po ay mababa sa Fats, kompleto sa protina at mataas sa fiber. Pwede nating iencourage ang mga local farmers natin na magtanim ng soy beans (preferably NON GMO variety of seeds ang gagamitin). Bibili tayo sa kanila So makakatulong na tayo sa mga magsasaka at mas mura pa natin itong mabibili.

2.3: Mas mainam na magconduct ng public bidding ng pagkukunan natin ng pinaka-mura at pinaka-magandang kalidad ng pagkain at gatas (soy milk) para sa mga kababayan natin. Please prioritize our LOCAL FILIPINO PRODUCERS! #SupporLocal

Why is this important?

Over all, mas maganda if ipopromote natin ang PLANT-BASED NUTRITION πŸŒ±πŸŒΏπŸ‹πŸŒπŸŠπŸ†. Mas mainam na kumain ng gulay at prutas kaysa sa karne. Mas mainam ang PLANT BASED DIET para sa ating Kalusugan at para sa ating Kalikasan.

HIGHLIGHT #1: #HeartDisease πŸ’” is the leading cause of Death (Source: WHO)

HIGHLIGHT #2: #Meat Consumption (Animal Agriculture) πŸ–πŸ—πŸ³ is the leading cause of Global Warming. (source: UN-FAO)

We need to switch to #Greener, #Healthier and #Kinder alternatives just like what you did when you choose solar power to supply electricity on public offices. Food is a powerful tool to make positive changes and we can all do that collectively.

Ang mga alternative solutions (Malunggay Pandesal at Soy Milk) na inilatag ko ay pasok sa 3 M's Criteria (#MASARAP, #MASUSTANSYA AT #MURA)

Sana po ay supportahan po natin ang ating mga magsasaka hindi yung bibili tayo sa mga foreign multinational companies ng pagka mahal mahal na gatas at mga pagkain. Mauubos pondo ng bayan. Dapat tayong mga pinoy ang tunay na makikinabang sa pondo natin. ANG PERA NG PILIPINO AY PARA SA PILIPINO!

We have high hopes for you Mayor Isko. Once, you start this project right, others will follow through. We do know your intense hunger for real change. Klarong klaro naman yan sa ginawa mong pagbabago sa Divisoria. If you want real change in addressing the problems on #malnutrition and #GlobalWarming, this is it! Simple solutions yet more effective and with proven results! ;)

Prayers and support! God bless po!

-Elpidio Mijares Jugalbot III,
Registed Nurse
Plant-based Nutrition Advocate
Vegan Lifestyle Advocate
Small Entrepreneur
#ProudELPInoy πŸ˜‰

P.s. sorry ang pangit ng tagalog ko. Pasensya. Bisaya man gud kong dako! Haha πŸ˜‚

#GoVeganELPIlipinas
#GoGreen #SaveThePlanet 🌳🌎
#vegan #vegetarian #plantbased

Manila, Metro Manila, Philippines

Maps © Stamen; Data © OSM and contributors, ODbL


Reasons for signing

  • Because if there is a more sustainable solution on our country's problem with food and starvation, why wouldn't I opt for it?
  • The dairy industry is dying: https://www.washingtonpost.com/outlook/dairy-farming-is-dying-after-40-years-im-out/2018/12/21/ The crisis is so severe that their farmers are committing suicide: https://www.nytimes.com/2018/03/19/nyregion/farmer-suicides-mark-tough-times-for-new-york-dairy-industry.html What do they do? Dump it in the Philippines and other developing countries. Like Iwas Gatas Pilipinas Ngayon on Facebook
  • Gulay is life

Updates

2019-07-20 00:13:03 +0800

100 signatures reached

2019-07-19 18:59:41 +0800

50 signatures reached

2019-07-19 17:17:32 +0800

25 signatures reached

2019-07-19 16:30:08 +0800

10 signatures reached